FANDOM


Buod

  1. Si Rosa ay isang katulong na madalas pagmaltratuhan ng kanyang amo. Siya ay madalas na sinusuyo ni Sancho subalit ayaw at naiinis siya dito. Sa kanyang paglalakad upang magsampay ng labahan ay may dalawang asong naghahabulan papunta sa kanyang direksiyon kaya’t sa takot ay ninais niyang umiwas, ngunit huli na kaya siya’y natapilok. Isang kutsero ang tumulong sa kanya at hinilot nito ang namamaga niyang kanang paa. Nabighani siya dito at araw-araw na pinapantasya subalit hindi niya natanong ang pangalan nito kaya’t pinangalanan niya itong “Angel.” Nang mabasag niya ang bote ng alak na ipinabili ng kanyang amo, na nabasag dahil kay Sancho, ay pinagmalupitan siya nito nang husto kaya’t naisipan niyang maglayas. Sa kanyang paglalayas ay nakatagpo niyang muli ang kutsero, na aksidente niyang nabato ng bato ang kabayo kaya ito’y galit nag alit. Nang mabatid niyang hindi siya kaagad maalala ng kutsero ay nawala ang paghanga niya dito kaya’t sa huli ay nagpahatid siya pabalik sa bahay ng kanyang amo.

Mga Tauhan

  1. a. Rosa - sang katulong na madalas pagmalupitan ng kanyang amo

  2. b. Sancho - ang lalaking bastos na madalas sumuyo at umalok ng tulong kay Rosa dahil sa taglay nitong kagandahan; nang makasabay niya si Rosa sa pagbili nito ng alak ay nabosohan niya ito at nag-init ang kanyang pagkalalaki; siya ang dahilan kung bakit nabasag ang bote ng alak

  3. c. Angel/Pedro - siyang tumulong kay Rosa nang matapilok ito at naghilot at naghatid na rin sa bahay ng amo nito; sa ikalawa nilang pagkikita ni Rosa ay hindi niya kaagad ito nakilala

  4. d. Amo ni Rosa - nasa bandang 30’s pa lang ang edad; labis magmalupit kay Rosa lalo na kung palpak ito sa kanyang mga trabaho

  1. Mga Isyung Pangkasarian
  2. a. Ideology of Romantic Love (Babae Bilang Mas Madaling Mahulog ang Loob Kaysa sa Kalalakihan)

Masasabing nabulag ng ideology of romantic love si Rosa dahil lamang sa tinulungan siya ng kutsero ay inakala na niyang ito ang kanyang prince charming na siyang mag-aahon sa kanya sa kanyang kalagayan. Wala siyang ibang inisip kundi kung paano niya muling makakatagpo ang kutserong ‘di niya alam ang pangalan kaya’t tinawag niyang kanyang Angel. Ngunit lahat ng ilusyon niya ay naglaho nang sa kanyang paglalayas ay nakita niyang muli ang kutsero, na masama rin pala ang ugali.

b. Kapwa Babae Bilang Dahilan ng Opresyon

Kitang-kita na ang amo mismo ni Rosa ang siyang nanghihila sa kanya pababa dahil sa mga pagmamalupit nito at masasabi rin na hindi aware si Rosa sa class oppression na kanyang nararanasan kaya mahihinuhang hindi lamang kalalakihan ang nagdudulot ng opresyon sa kababaihan. Sa huli, bumalik na lamang muli si Rosa sa bahay ng kanyang amo at dito ay masasabing walang nangyaring empowerment kay Rosa sapagkat malaki ang posibilidad na patuloy lamang ang ikot ng kanyang buhay na madalas makaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang amo.

  1. Talambuhay ng May-akda

Si Estrella D. Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu noong Marso 27, 1917. Nang matapos siya ng sekundarya, nagtungo siva sa Maynila upang mag-aral sa U.P. Naging miyembro siya ng U.P. Writers Club dahil sa taglay niyang katalinuhan at kakayahan sa pagsulat. Sa pagitan ng mga taong 1958 at 1978, nagwagi siya ng mahigit kumulang sa sampung karangalan mula sa maikling kuwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at Arena Theatre Contest.